Photo courtesy of Philippine Coast Guard (PCG)
Patuloy ang isinasagawang operasyon at imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa nasunog na passenger vessel na MV June Aster sa katubigan ng Coron, Palawan.
Sa panayam ng programang BOSES kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab sinabi nitong 100 percent na nilang napasok ang crew accommodation, economy passenger accommodation, at ang air-conditioned passenger accommodation.
Ngunit magsasagawa pa umano sila ng secondary sweep upang makasiguro na walang maiiwang mahalagang ebidensiya o materyales na mahalagang parte sa isinasagawang imbestigasyon.
Pagdating naman sa bilang ng mga nasawi ay nananatili ito sa 76 habang nasa 42 naman ang survivors at 13 ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.
Nasa 65% naman nang napasok ng PCG ang cargo deck habang patuloy ang siphoning operations sa engine room ng barko upang mapasok na rin ito.
Tiniyak din ng PCG ang pagbibigay ng legal assistance para sa mga biktima at kaanak ng mga nasawi sa malagim na sunog sa MV June Aster.