Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98 ang motion for inhibition na inihain ni Vice President Sara Duterte.
Sa desisyon ng korte, walang sapat na merito ang mosyon at walang malinaw at matibay na ebidensyang nagpapatunay ng bias, prejudgment, o anumang dahilan para kuwestiyunin ang pagiging impartial ng hukom.
Inihain ng kampo ni Duterte ang mosyon noong Sept. 10, kung saan inakusahan ang korte ng pagkiling at pagiging pabor sa prosekusyon sa pagtukoy ng probable cause sa kasong grave threats.
Una nang ipinagpaliban ng korte ang arraignment ni Duterte kaugnay ng tatlong bilang ng grave threats.