Umabot sa mahigit 151,000 trabaho ang inalok sa nationwide TRABAHO AGAD job fairs ng Department of Labor and Employment (DOLE) bilang bahagi ng 2026 Handog ng Pangulo initiative.
Pinangunahan ni DOLE Secretary Francis Tolentino ang pagbubukas ng programa sa Pasig City, kung saan 1,426 local at overseas employers ang lumahok sa 86 job fair sites sa 73 lalawigan.
Pinakamaraming bakanteng trabaho ang mula sa BPO sector, kabilang ang mahigit 8,400 customer service representative positions, kasunod ang manufacturing, retail, construction, at transportation at logistics.
Kasabay nito, nasa ₱2.83 bilyong piso ang halaga ng kabuuang serbisyo at tulong na inilaan ng pamahalaan sa buong bansa.
Sa Pasig City, mahigit ₱18 milyong piso ang inilaan para sa mga benepisyaryo, kabilang ang TUPAD at DOLE Integrated Livelihood Program.
Palalakasin din ng DOLE ang AI upskilling program para sa 10,000 BPO workers sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).