Posibleng maging bahagi ng pagtalakay ng Article 2 Unexplained Wealth o hindi maipaliwanag na yaman na inihain laban kay Vice President Sara Duterte ang kaniyang 19 na foreign trips na katumbas na 91 days.
Ito ay matapos ilahad ng unang testigo na si retired Sandiganbayan Justice Amparo Cabotaje-Tang na maaaring maging batayan ng unexplained wealth ang mga hindi opisyal na travel abroad ng bise.
Ayon kay House Prosecutor Terry Ridon, kasalukuyang pinag-aaralan ng prosecutors kung tutugma ang gastos sa mga biyaheng ito sa kanyang opisyal na suweldo at iba pang legal na kita.
Ayon pa kay Ridon, kailangang pagbanggain ang foreign travels ng Pangalawang Pangulo mula sa dalawang taon niya sa termino sa OVP.
Nilinaw naman ni Ridon na hindi aasa ang prosekusyon sa mga biyaheng ito lamang para patunayan ang kanilang kaso.
Maaari lamang itong magsilbing pandagdag na ebidensya sa mga rekord ng bangko, buwis, Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), at iba pang financial documents na kanilang ihaharap sa impeachment court.