Nagtapos ang 2026 Bar Examinations na may record-high na 12,010 examinees na nakumpleto ang tatlong araw na pagsusulit, pinakamataas na bilang ng finishers sa kasaysayan ng Philippine Bar.
Ayon sa Supreme Court, idinaos ang Bar Exams sa 15 local testing centers sa buong bansa. Mula sa 12,029 examinees noong unang araw, 12,010 ang umabot hanggang huling araw ng pagsusulit.
Pinangunahan ni Supreme Court Associate Justice Samuel Gaerlan, Chairperson ng 2026 Bar Examinations, ang turnover ceremony matapos ang pagtatapos ng exams.
Pormal na ipinasa ni Gaerlan ang pamumuno sa susunod na Bar Exams kay Supreme Court Associate Justice Ricardo Rosario, na magiging Chairperson ng 2027 Bar Examinations.
Dumalo rin si Chief Justice Alexander Gesmundo, na pinangunahan ang kanyang huling Bar Examinations bago ang kanyang pagreretiro sa Nobyembre.
Target ilabas ng SC ang resulta ng 2026 Bar Examinations sa Enero 2027.