Senate of the Philippines
Muling hinimok ni Senate President Sherwin Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na magsagawa ng audit sa fuel pass-through para matiyak na makatuwiran at may sapat na batayan ang anumang dagdag sa singil sa kuryente.
Kasunod ito ng panibagong malaking pagsipa ng presyo ng langis, na lumagpas na sa ₱100 kada litro.
Ayon kay Gatchalian, maaaring muling tumaas ang electricity bills ng mga konsyumer dahil sa mataas na fuel prices.
Nauna nang naghain ang senador ng Senate Resolution No. 581 para imbestigahan ang kawalan ng regular na audit sa fuel costs.
Binanggit din ni Gatchalian na noong Hunyo, pinakamataas sa Southeast Asia ang average residential electricity rate sa Pilipinas na ₱12.43 kada kilowatt-hour, bahagyang mas mataas sa ₱12.34 kada kilowatt-hour sa Singapore.
Sa kaso ng Meralco, sinabi ng senador na ang fuel cost ay bumubuo sa 86.16 percent ng kabuuang generation charges nito noong July 2026. Giit ni Gatchalian, kailangan ng mas malaking transparency at accountability para matiyak na ang kuryente ay naibibigay sa pinakamababang posibleng halaga.