CREATOR: gd-jpeg v1.0 (using IJG JPEG v62), quality = 80?
Inaasahang haharap sa pamamagitan ng video conference si dating House Speaker Martin Romualdez sa arraignment at pre-trial ng kasong plunder.
Ito matapos na aprubahan ng Sandiganbayan 3rd Division ang urgent motion ni Romualdez na dumalo sa proceedings via videoconference. Nakatakda ang arraignment alas-8:30 ng umaga.
Inatasan din ng korte ang jail superintendent na maglaan ng pasilidad, serbisyo at technical equipment para sa videoconference hearing.
Samantala, personal na babasahin ng Division Clerk of Court ang mga kasong nakasaad sa Information sa harap mismo ni Romualdez sa detention facility.
Pinayagan din ang isang assisting counsel ni Romualdez at isang miyembro ng prosecution panel na pisikal na dumalo sa itinalagang lugar sa QC Jail habang ang iba pang mga abogado ng depensa at prosecutors ay kinakailangang dumalo sa hearing sa korte.
Sa arraignment, pormal na babasahin kay Romualdez ang sakdal at hihingan siya ng plea kung guilty o not guilty.