Photo courtesy of House of Representatives
Aminado si House Appropriations Committee Chair Mika Suansing na hindi pa nagpupulong ang Joint Congressional Oversight Committee on Public Expenditures ngayong 20th Congress.
Sa interpelasyon ni Gabriela Party-list Representative Sarah Elago, nausisa nito kung nag-convene na ang joint committee, alinsunod sa Section 19 na nag-aatas dito na bantayan ang compliance ng mga National Government Agencies sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyo.
Ayon kay Suansing, nauna kasing mag-convene ang Infrastructure Committee kaya nagkasabay-sabay ang mga oversight committee na may kaugnay na mandato.
Dagdag pa niya, inaayos pa ang schedule kasama ang counterpart sa Senado na si Senator JV Ejercito, lalo na’t kasabay nito ang budget deliberations ng dalawang kapulungan.
Gayunman, tiniyak ni Suansing na agad nilang ipapaalam ang iskedyul at ipapatawag ang Joint Congressional Oversight Committee sa lalong madaling panahon.