Inaasahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) na aabot sa 3.19 milyong metriko tonelada ang produksyon ng palay sa ikatlong quarter ng 2026, o mula July hanggang September.
Mas mababa ito ng 15% kumpara sa aktuwal na produksyon sa kaparehong quarter noong nakaraang taon.
Gayunman, inaasahang tataas nang bahagya ang ani kada ektarya sa 4.13 metric tons mula sa 4.09 metric tons noong nakaraang taon.
Sa kabuuang 1.55 milyong ektarya ng standing palay, 60.1% ang nasa vegetative stage, 26.1% reproductive stage, at 13.8% maturing stage.