Nagsimula nang mag-deploy ang ikaapat na batch ng TUPAD beneficiaries ngayong 2026 sa Luzon Disaster Resource Center (LDRC) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa ilalim ng programa, ang mga benepisyaryo, na pawang residente ng Pasay City, ay tutulong sa tuloy-tuloy na pagre-repack at paghahanda ng mga relief supplies ng ahensya.
Simula September 18, magsisilbi sila ng 40-araw sa LDRC bilang bahagi ng temporary employment sa ilalim ng TUPAD.
Ayon sa DSWD, nakatutulong ang programa sa pagpapalakas ng disaster preparedness at response ng ahensya, habang nagbibigay ng dagdag na kabuhayan sa mga displaced, underemployed, at seasonal workers.
📸 DSWD

