Pormal nang pinagtibay ng mga bansang kasapi ng ASEAN ang makasaysayang Manila Declaration sa pagtatapos ng 2026 ASEAN Ministerial Conference on Disaster Resilience.
Ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr., na chair ng ministerial meeting, layon ng deklarasyon na pabilisin ang pagpapatupad ng AADMER Work Programme 2026 to 2030.
Tututukan din nito ang pagpapalakas ng accountability, monitoring, at pagkatuto ng ASEAN sa pagtugon at paghahanda sa mga sakuna.
Bahagi rin ng dokumento ang paghubog ng disaster resilience agenda ng rehiyon hanggang 2030 at sa mga susunod pang taon.
Inilarawan ni Teodoro ang Manila Declaration bilang isang “living document” na magbibigay ng mas malawak na pagtutulungan, kakayahang umangkop, at mas mabilis na pagtugon sa mga kalamidad.
Nakatakda naman itong iharap para sa notation ng mga lider ng ASEAN sa isasagawang 49th ASEAN Summit ngayong Nobyembre.
“And we have agreed that this shall be a living document that shall provide for flexibility, agility, cooperation to meet disasters more effectively as they come and as we learn.” — DND Sec. Gilberto Teodoro Jr.