Sinimulan na ang konstruksyon ng water detention basin sa Rajah Sulayman Plaza sa Malate, Maynila.
Ito ay bilang bahagi ng mga hakbang ng Marcos Jr. administration laban sa pagbaha.
Ang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay kayang mag-imbak ng humigit-kumulang tatlong milyong litro ng tubig-ulan bago ito ilabas patungong Manila Bay.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas mabilis at komprehensibong pagpapatupad ng mga proyekto laban sa baha, kabilang ang pagtatayo ng detention basins at pag-upgrade ng drainage systems at pumping stations sa Metro Manila.