Naniniwala si House Prosecution Spokesperson Zia Alonto Adiong na hindi sinadya ang personal na pagdalo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC para matabunan ang impeachment proceedings laban sa kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Adiong, maaaring nagkataon lamang ang timing ng pagharap ng dating Pangulo sa ICC at ng pagdinig sa Senado tungkol sa voting threshold para sa conviction sa impeachment case.
Aniya, hindi rin naman maaaring diktahan ang ICC kung kailan nito isasagawa ang mga hearing nito, alinsunod sa sariling guidelines ng Korte.
Ang mahalaga aniya ay tumatakbo na ang kaso na kinakaharap ng dating chief executive..
Kapwa naman umaasa si Adiong at Manila Rep. Joel Chua na nasa mabuting kalagayan ang dating pangulo. | ulat ni Kathleen Forbes