Mas malawak na ang suporta ng Department pf Agriculture (DA) para sa mga magsasaka, mangingisda at agricultural enterprises na naapektuhan ng kalamidad.
Ito ay sa pamamagitan ng Agri-RECOVER Program na inilunsad ng Department of Agriculture–Agricultural Credit Policy Council (DA-ACPC) ang credit assistance sa Angeles City, Pampanga.
Layon nitong magbigay ng agarang tulong pinansyal, mapatatag ang cash flow at masuportahan ang rehabilitasyon at pagpapatuloy ng mga operasyong pang-agrikultura.
May apat na pangunahing credit assistance sa ilalim ng Agri-RECOVER—Calamity Loan, Loan Restructuring, Loan Refinancing at Loan Moratorium.
Target ng programa ang small farmers and fisherfolk at micro at small enterprises na kabilang sa sektor ng agrikultura at naapektuhan ng kalamidad.
📸 DA

