Palalakasin ng National Police Commission (NAPOLCOM) at Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang ugnayan nito para mapaigting ang partisipasyon ng kabataan pagdating sa public safety.
Kasunod ito ng isinagawang paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ng dalawang organisasyon sa NAPOLCOM Central Office sa Quezon City.
Sa ilalim ng kasunduan, magsasagawa ang NAPOLCOM at BSP ng mga programa para sa crime prevention, leadership at youth development, disaster preparedness at emergency response, community outreach, at information campaigns.
Kabilang din sa mga paksa ang anti-criminality, illegal drugs, cybercrime, anti-bullying, at iba pang usapin sa community safety.
Layon ng partnership na mahikayat ang mga kabataan na maging responsableng mamamayan, community leaders at aktibong katuwang sa pagbuo ng ligtas, mapayapa, at resilient na mga komunidad.
📸 NAPOLCOM


