Mga Pilipino sa Kuwait ang tunay na Kultural Ambassadors ng Pilipinas.
Ito ang naging pahayag ni Economic Assistant at Attache ng Philippine Embassy sa Kuwait, Miss Princess Conwi sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service.
Ayon kay Economic Assistant and Labor Attache Conwi, ang mga Pilipinong nag-susuot at nagbabahagi ng mga kwento at kahalagahan ng mga Philippine Traditional Textiles para maintindihan at ma-appreciate ng host country.
Dahil dito aniya mas naging madali ang lalong pag-papalawak at pag-papalakas ng people to people ties gayundin sa cultural at diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
Matantandaang magdaos ng kauna-unahang Philippine Traditional Textile Exhibition sa Saudi mula Sept 15 to. 17, 2026.
Batay sa datos ng Kuwaiti Public Authority For Civil Information merong 226,000 na mga Pilipino ang nag-tratrabaho at naninirahan sa Kuwait.