Target ng Department of Transportation (DOTr) na matapos ang kabuuang konstruksyon ng 33-kilometer Metro Manila Subway Project sa huling quarter ng taong 2031.
Inihayag ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na nakatakdang matapos ang huling istasyon ng subway sa Q4 ng 2031.
Ipinaliwanag din nito na bagama’t maaari nang matapos ang imprastraktura sa nasabing panahon, kakailanganin pa rin ang masusing testing and commissioning para sa mga bagon bago ito pormal na buksan sa publiko upang matiyak ang kaligtasan ng libo-libong pasaherong sasakay dito araw-araw.
Inaasahan naman na magiging ganap at fully operational ang buong linya ng subway sa unang bahagi o ikalawang quarter ng taong 2032.
Samantala, posibleng magkaroon din ng partial operations sa ilang mga naunang segment na matatapos ang konstruksyon.