Aabot sa mahigit 5.9 milyong pisong tulong pinansyal mula sa AKSYON fund ang naipamahagi ng Department of Migrant Workers – National Capital Region (DMW-NCR) sa nasa 118 Overseas Filipino Workers (OFWs) Sa ilalim ng UPLIFT initiative ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Layunin nito na maibigay ang agarang ayuda sa mga kababayang humarap sa krisis, emergency at kagipitan upang magamit sa kanilang pang-araw-araw na gastusin, medical needs at kabuhayan.
Kasabay nito, nag-alok din ang DMW-NCR ng upskilling programs, katuwang ang TESDA, upang matiyak ang tuloy-tuloy na reintegration ng mga manggagawa pagbalik nila sa bansa.
Ayon kay DMW-NCR Director, Atty. Falconi Millar, pagkilala ito ng pamahalaan sa mga ginagawang sakripisyo ng mga Pilipino sa ibayong dagat na itinuturing nilang mga “Bagong Bayani”.