Nananatiling on track ang National Grid Corporation of the Philippines sa pagkumpleto ng ₱23-bilyong transmission upgrade pagsapit ng katapusan ng taong ito.
Ayon kay NGCP Spokesperson Cynthia Alabanza, nasa ₱23.5 bilyong ang inilaan sa capital projects, kung saan ₱11 bilyong rito ay ilalaan sa Visayas.
May dalawang malaking power projects sa Visayas: ang Nabas-Caticlan-Boracay transmission line at ang Panay-Guimaras 138-kilovolt transmission line.
Sa Mindanao, tinatapos naman ang expansion works sa Mindanao Substation at ang Nasipit Substation Bus-In project sa Agusan del Norte.
Bagama’t inaasahang mapapabuti ng mga proyektong ito ang transmission reliability, iginiit ni Alabanza na kailangan pa ring matiyak na sapat ang suplay ng kuryenteng naihahatid sa mga lugar.