Nakabalik na sa normal na kapasidad ang Visayas Grid matapos tumanggap ng karagdagang suplay mula sa Mindanao Grid.
Ito ang inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) makaraang bumalik na muli ang operasyon ng dalawang planta sa Mindanao Grid.
Dahil dito, nakamit ng Visayas Grid ang 450 megawatts na kuryente, dahilan upang maipanumbalik nito ang kinakailangang suplay.
Gayunman, sinabi ng NGCP na hindi pa rin nila isinasantabi ang pagtataas muli ng YELLOW ALERT sa Visayas Grid lalo na kung may planta ang magkakaroon ng power outage.
Batay sa datos, aabot sa 2,672 megawatts ang available capacity ng Visayas Grid, na mas mataas sa peak demand nito na 2,308 megawatts. Nananatili ring normal ang Luzon at Mindanao Grid.