Sinusuri ng Department of Energy at Philippine National Oil Company ang mas malaking lugar sa Zamboanga para pagtayuan ng malaking imbakan ng langis.
Nagkaroon kasi ng problema sa laki ng lupa at pagkuha ng lupang gagamitin sa orihinal na planong lugar.
Ayon kay Energy Undersecretary Alessandro Sales, nakapulong noon ang DOE sa Abu Dhabi National Oil Company at Saudi Aramco kaugnay ng commercial facility para mag-imbak at magbigay ng mga produktong petrolyo sa buong rehiyon.
Aniya, magiging flexible ang gobyerno sa pangangasiwa ng oil reserve ng bansa dahil makatitipid at mas mapapadali ang pag-iimbak ng langis ng Pilipinas.