Kinumpirma ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang pagbaba ng kabuuang transmission rate para sa August 2026 billing period.
Inihayag ni NGCP Head for Revenue Management Ryan Datingaling na bumaba ng 0.2335 centavos kada kilowatthour o 13.30% na pagbaba sa singil ang transmission charge.
Ngayon kasi ay nasa 1.5225 pesos per kilowatthour na lang ang transmission charge mula sa dating 1.7560 pesos per kilowatthour noong Hulyo.
Bumaba rin sa 0.8061 centavos per kilowatthour ang binabayarang ancillary services.
Paalala ng NGCP na ang singil sa ancillary services ay pass-through cost o direktang ibinabayad lamang sa mga pribadong power generators at sa reserve market upang mapanatiling matatag ang daloy ng kuryente sa power grid ng bansa.
📸 NGCP