Muling nagtala ng bagong record high sa daily ridership ang Department of Transportation–Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT-3) matapos umabot sa 503,031 ang bilang ng mga pasahero kahapon, September 17.
Ito na ang ikalawang sunod na araw na nakapagtala ng bagong record high ang MRT-3, matapos malampasan ang 502,264 na pasaherong naitala noong September 16.
Kasama sa kabuuang ridership ang mga National ID holders na nakinabang sa libreng sakay bilang pakikiisa ng MRT-3 sa Global Identity Day.
Kasunod nito, tiniyak ng DOTr-MRT-3 ang patuloy na paghahatid ng ligtas at maaasahang serbisyo sa lumalaking bilang ng mga commuter.