Kahit bumubuti na ang lagay ng panahon, patuloy pa rin ang pagahahatid ng tulong ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng sunod-sunod na pag-ulang dala ng Habagat sa Central Luzon.
Sa ilaim ng “HATID TULONG SA SAMBAYANAN,” inihatid ng Office of Civil Defense (OCD) ang ikatlong batch ng mga tulong para sa mga binaha sa lalawigan ng Pampanga.
Aabot sa 2,700 bote ng tig-6 na litro ng inuming tubig, 960 sako ng bigas, mahigit 1,000 hygiene kits at mahigit 1,000 non-food item family packs ang ipinamahagi sa mga bayan ng San Simon, Minalin, Sto. Tomas, Lubao, Bacolor at Sta. Rita.
Unang naghatid ng tulong ang OCD sa mga apektadong bayan sa Marilao, Bocaue, Balagtas at Guiguinto gayundin sa mga bayan ng Calumpit, Hagonoy, Paombong, at Bulakan sa lalawigan ng Bulacan.
Ayon kay Undersecretary Harold Cabreros, tulong-tulong ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) sa paghahatid ng tulong sa mga kababayang nasalanta ng kalamidad salig sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

