Photo courtesy of PH Embassy in UAE
34 na undocumented na mga Pilipino sa Abu Dhabi ang natulungan ng pamahalaan na mapauwi sa PIlipinas.
Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa United Arab Emirates, 14 dito ay mga undocumented Overseas Filipino Workers o OFWs at 20 naman naman ay kanilang mga anak.
Ang mga bata ito ay ipinanganak out-of-wedlock o kaya ay sa labas ng ospital kaya nahirapan na kumuha ng mga civil at travel documents.
Pero nagsagawa ang Migrant Workers Office sa Abu Dhabi ng DNA testing upang mapatunayan ang pagiging ina ng mga OFW at tuluyang maproseso ang kanilang mga dokumento.
Pinangunahan ng Philippine Embassy, MWO, at OWWA ang pagpapauwi sa mga Pilipino at nitong September 16 lumapag sa Pilipinas ang kanilang reptatriation flight.
Ayon kay Philippine Ambassador to the UAE Alfonso Ver, patuloy ang kanilang paggabay at pagtulong sa kapakanan ng mga Pilipino sa UAE.