Ikinalugod ni House Committee on Higher and Technical Education Chairperson Jude Acidre ang paglalabas ng implementing rules and regulations o IRR ng Republic Act 12288 o Career Progression System for Public School Teachers and School Leaders Act.
Sinabi ni Acidre na sa paglabas ng IRR, lilipat na ang programa mula sa policy at batas tungo sa aktuwal na implementasyon, kabilang ang promotion, reclassification, transition arrangements at professional development.
Layon ng batas na magbibigay ng mas malinaw at pangmatagalang career advancement ng mga guro at school leaders batay sa merito, kakayahan, kwalipikasyon, at professional standards.
Sa ilalim nito, maaaring umabot ang teaching career line hanggang Master Teacher VI, habang ang school administration career line ay hanggang School Principal V.
Nagsimula ang reporma sa Executive Order 174 na inilabas noong 2022, na nagtatag ng Expanded Career Progression System para sa mga guro at school administrators.
Para naman sa 2027 national budget, ₱12.09 bilyong ang iminungkahing pondo para sa ECP System na inaasahang susuporta sa 135,063 position reclassifications.