Naglatag na ng security measures ang Quezon City Police District (QCPD) sa People Power Monument bilang paghahanda sa inaasahang aktibidad sa Lunes, September 21.
Nag-inspeksiyon na ang QCPD sa pangunguna ni Acting District Director PBGen. Christopher Olazo sa People power monument sa Quezon City para isapinal ang security at deployment plan.
Bago ito, nagkasa na rin ang QCPD ng final security meeting ang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya para matiyak ang ligtas, mapayapa, at maayos na pagtitipon sa Lunes.
Kasama sa koordinasyon ang mga kinatawan ng Quezon City Department of Public Order and Safety, Traffic and Transport Management Department, QCDRRMO, MMDA, BJMP at BFP.
Tinataya namang 700 tauhan ang ide-deploy para sa seguridad at pagpapanatili ng kaayusan sa lugar.