Papalo sa higit 40 flood control projects sa distrito ni Davao City Representative Paolo Duterte ang na-red flag ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ito ang kinumpirma ni NBI Director, Atty. Melvin Matibag kasunod ng natanggap nilang impormasyon at dokumento mula mismo sa Department of Public Works and Highways.
Ani Matibag, mula sa 100 flood control projects nasa 47 dito ang na-red flag dahil ito ay ghost, substandard at may pare-pareho ring proyekto na magkakaiba lang ng coordinates.
Kaugnay nito, 51 indibidwal ang ipatatawag ng NBI sa pamamagitan ng subpoena kaugnay ng imbestigasyon sa flood control projects sa Davao City.
Matatandaang una nang lumutang ang impormasyon na tumutukoy sa Davao City bilang flood control capital ng bansa.
Pagtitiyak ni Matibag na tututukan nilang mabuti ang imbestigasyon upang malaman ang mga nasa likod ng mga red-flagged flood control projects na ito at sila ay mapanagot.