Photo courtesy of Department of National Defense (DND)
Isinusulong ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang pagkakaroon ng expeditionary navy sa Pilipinas para maprotektahan ang mga barko at marino ng bansa.
Ito’y habang pinalalakas din ang sariling maritime industry ng bansa at mas ginagamit ang sarili nitong maritime domain.
Ang expeditionary navy ay may kakayahang pumunta at magsagawa ng operasyon sa mga malalayong karagatan.
Ayon kay Teodoro, kailangan ang sariling shipping capacity bilang paghahanda sa emergency o krisis.
Dapat din aniyang palakasin ang maritime domain ng Pilipinas para masuportahan ang lumalagong populasyon, food production, at economic activity.
Tinukoy din nito ang kahalagahan ng blue economy sa pag-unlad ng Pilipinas.