Pinamamadali ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuo ng bagong sistema sa pag-anunsyo ng suspensyon ng klase bunsod ng sama ng panahon o kalamidad.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, layunin nitong maiwasan ang kalituhan ng mga magulang at estudyante kung mayroong pasok o wala.
Isa sa mga pinag-aaralang panukala ang pagbibigay ng pangunahing anunsyo sa local government units, na dapat nakaayon sa Department of Education (DepEd).
Ito ay upang maiwasan ang magkakaibang abiso mula sa mga alkalde, gobernador, at DepEd.
Batay naman sa pag-aaral ng Second Congressional Commission on Education, umabot sa tinatayang 20 araw ng klase ang nawawala sa karaniwang public elementary school dahil sa mga suspensyon noong School Year 2025-2026.