Ipinagbabawal na ng Montenegro Shipping Lines ang pagsasakay sa kanilang mga sasakyang pandagat ng mga electric vehicle at hybrid vehicles.
Ito ang kinumpirma ni PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab na nilinaw rin na wala pa silang opisyal na impormasyon o paabiso mula sa iba pang shipping operators.
Ipatutupad aniya ng PCG ang pagbabawal na ito na nakabase sa idindeklarang Master Declaration of Safe Departure ng barko bago ito maglayag.
Binigyang-linaw rin ng PCG na dapat pa rin magmula sa MARINA ang deklarasyon kung magiging patakaran ito sa buong industriya.
Samantala, maliban sa Montenegro Shipping Lines, isa pang announcement ang na-monitor ng Radyo Pilipinas sa social media na mula naman sa Tri-Star Shipping Lines.
Nakaantabay naman ang Radyo Pilipinas sa magiging pahayag ng Maritime Industry Authority (MARINA) hinggil sa nasbing issue.

