Photo courtesy of PHILVOCS
Nakapagtala ang PHIVOLCS ng 27 volcanic earthquake sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras, batay sa kanilang ulat ngayong September 19, 2026.
Nasa 12 tonelada kada araw ang sulfur dioxide flux sa naturang bulkan batay sa kanilang pinakahuling monitoring nitong September 17.
May taas na 200 metro ang plume ng bulkan na nasa mahinang pagsingaw.
Naitala rin ang panandaliang pamamaga sa bulkan.
Sa ngayon, nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan kaya mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4-km Permanent Danger Zone at ang pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-km Extended Danger Zone o EDZ sa gawing timog-silangan.
Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan. Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na posibleng maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosion anumang oras.