Idinaos sa Maynila ang magkasanib na 58th ASEAN Economic Ministers Meeting at 40th ASEAN Free Trade Area Council Meeting, na pinangunahan ng Pilipinas bilang ASEAN Chair ngayong 2026.
Sa kanyang pambungad na mensahe, sinabi ni Trade Secretary Cristina Roque na mahalaga ang pagpapatibay ng regional trade rules sa gitna ng pagbabago sa pandaigdigang kalakalan at mga hamon sa supply chain.
Tampok sa pulong ang pag-upgrade ng ASEAN Trade in Goods Agreement o ATIGA, upang maging mas bukas, predictable, at angkop sa kasalukuyang paraan ng pagnenegosyo sa rehiyon.
Malugod ding sinalubong ng Pilipinas ang Timor-Leste sa una nitong AEM at AFTA Council meetings bilang ASEAN member state.
Inaasahang magbibigay ang isang linggong konsultasyon ng malinaw na direksiyon sa mas matatag na kalakalan, mas magkakaugnay na merkado, at mas maraming oportunidad para sa mga negosyo sa ASEAN.