Inanunsyo ni DILG Secretary Jonvic Remulla na maaantala ang kanyang pagpunta sa France para makipag-ugnayan sa Interpol kaugnay ng pag-aresto kay dating Congressman Zaldy Co.
Si Co ay nahaharap sa mga kaso sa bansa kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project.
Ayon kay Remulla, ipagpapaliban niya ng dalawa hanggang tatlong linggo ang kanyang pag-alis para tutukan ang kaso ng shooting incident sa South Cotabato.
Aniya, makikipagpulong siya kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para talakayin ang mga bagong guideline kaugnay ng insidente.
Makikipag-ugnayan din ang DILG sa DepEd para bumuo ng mga bagong patakaran kaugnay nito.