Nakabayad na ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ng P104.1 milyon sa insurance claims ng 10,596 magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng Habagat at mga bagyo.
Sakop ng payout ang walong rehiyong tinamaan ng sama ng panahon mula Agosto 1 hanggang Setyembre 13.
Pinakamalaki ang natanggap ng MIMAROPA na P41.1 milyon para sa 2,721 benepisyaryo.
Sinundan ito ng Central Luzon na may P21 milyon para sa 1,435 claimant at CALABARZON na may P9.9 milyon para sa 1,395 benepisyaryo.
Pinakamalaki ang napunta sa rice farmers na P53.8 milyon para sa 4,972 benepisyaryo.
Umabot naman sa P23.9 milyon ang claims para sa mais at P15.7 milyon para sa livestock.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kailangan ang mabilis na pagbabayad ng insurance upang agad na makabangon at makabalik sa produksyon ang mga magsasaka at mangingisda.