Patuloy ang panawagan ng Department of Transportation (DOTr) para sa dagdag na pondo upang magpatuloy ang pamamahagi ng fuel subsidies sa mga operator ng pampasaherong sasakyan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Inihayag ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na mahalagang maaprubahan ng Kongreso ang kanilang P5-bilyong budget proposal para sa pamamahagi ng fuel subsidy.
Malaking tulong kasi ngayon ang ibinibigay na fuel subsidy ng pamahalaan upang salagin ang epekto ng sumisirit na presyo ng mga produktong petrolyo na nararanasan ng public transportation sector.
Magugunitang isinagawa ng Department of Transportation ang pamamahagi ng fuel subsidy bilang tulong sa mga transport group na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga produktong langis sa bansa.
Gayundin, magiging malaking tulong sa kagawaran ang iba pang programang mapopondohan gamit ang aaprubahang budget ng Kongreso upang mas mapagaan ang sitwasyon ng sektor ng pampublikong transportasyon sa bansa.