Iginiit ng Commission on Elections (Comelec) na tuloy pa rin ang 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Nobyembre 2.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na hangga’t wala pang batas na nagsasabing ipagpaliban ang halalan ay hindi sila titigil sa paghahanda sa halalan.
Hindi umano sila titigil sa paghahanda, lalo na sa pamamahagi ng mga election materials sa mga malalayong lugar.
Nangangailangan sila ngayon ng mas malinaw na desisyon hanggang Setyembre 28 para masimulan na ang pamamahagi ng mga election materials.
Ayon kay Garcia, ipinauubaya na nila sa kamay ng mga mambabatas ang kapalaran ng BSKE kung ito ba ay matutuloy o maipagpapaliban.