Suportado ng Department of Agriculture ang panukalang ₱210 kada kilo na minimum price sa buhay na baboy matapos bumagsak sa ₱120 hanggang ₱160 ang farmgate price sa ilang lugar.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., wala pang batas na nagbibigay sa DA ng kapangyarihang magpatupad ng mandatory minimum price.
Nilinaw ni Tiu Laurel na industriya ng baboy ang nagmungkahi ng ₱210 kada kilo, at hindi ang DA.
Pinag-aaralan din ng DA ang pagbabalik ng dating tariff rates sa imported pork at pagtataas ng special safeguard duties.
Pinaigting naman ang inspeksyon sa imported meat sa mga pamilihan, kung saan may mga produktong hindi pumasa sa standards ng National Meat Inspection Service. Patuloy ding minomonitor ng DA ang presyo ng karne bago ang Pasko, na inaasahang bahagyang tataas dahil sa demand.