Suportado ng Department of Information and Communications Technology ang isinasagawang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa umano’y iregularidad sa ilang government-funded ICT at connectivity projects.
Ayon sa DICT, magpapadala ito ng pormal na liham sa Ombudsman para ipahayag ang buong kooperasyon ng ahensya sa imbestigasyon.
Handa rin ang DICT na isumite ang mga kinakailangang rekord at technical information para makatulong sa masusing pagsusuri sa mga proyekto.
Iginiit ng ahensya na dapat maihatid sa publiko ang mga serbisyong ipinangako sa bawat proyektong pinondohan ng pamahalaan.
Sinabi ng DICT na dapat ding siyasatin ang anumang alegasyon ng non-performing systems, maling pag-uulat ng project deliverables at maling paggamit ng pondo ng bayan. Patuloy anilang paiigtingin ng DICT ang transparency at accountability sa mga programa ng digitalization at connectivity.