Photo courtesy of Department of Transportation (DOTr)
Nasa Malanday Depot na sa Valenzuela City ang isa sa walong bagon ng ikatlong 8-car Electric Multiple Unit trainset para sa North-South Commuter Railway (NSCR).
Inaasahang susunod na ring darating ang iba pang bagon hanggang sa makumpleto ang buong trainset sa susunod na linggo.
Target ng Department of Transportation (DOTr) na masimulan sa Disyembre 2027 ang operasyon ng Valenzuela-Malolos segment ng NSCR.
Samantala, target namang maging fully operational ang 147-kilometrong NSCR mula Clark hanggang Calamba, Laguna pagsapit ng third quarter ng 2033.
Ayon sa DOTr, may 35 istasyon ang NSCR na mag-uugnay sa Central Luzon, Metro Manila at Calabarzon. Inaasahang halos 800,000 commuter kada araw ang makikinabang sa railway system kapag ganap na itong operational.