Big time oil price hike, asahan bukas
Pakarga na mga motorista dahil asahan na ang bigtime oil price hike bukas, September 22.
Batay sa pinakahuling trading sa world market, possibleng tumaas ng nasa P8 to P9 sa kada litro ng diesel; habang nasa P4 to P5 naman ang itataas sa kada litro ng gasolina; at nasa P6 to P7 naman naman sa kada litro ng kerosene.
Ngayon araw naman i-aanunsyo ng Department of Energy (DOE) ang pinal na presyo nito para linggong ito.
Ang oil price adjustment ay bunsod parin ng pabago-bagong presyo sa pandaigdigang merkado.