Tiniyak ngayon ng Eastern Police District (EPD) na kanilang igagalang ang karapatang pantao at malayang pagpapahayag ng saloobin.
Ayon sa EPD, hinihikayat nila ang lahat na makiisa nang mapayapa at responsable, at sumunod sa umiiral na batas upang matiyak ang ligtas at maayos na mga pagtitipon ngayong araw.
Kahapon, nagkaroon ng on-site inspection si EPD Director PBGen. Roman Arugay sa EDSA Shrine at ibang lugar na posibleng pagdausan ng aktibidad ng iba’t-ibang grupo.
Dito, nagsagawa siya ng assessment sa security deployment at operational readiness ng mga pulis.
Kaniyang tagubilin sa mga tauhan ng EPD, bukod sa maximum tolerance, maging alerto at mahigpit na makipag ugnayan sa mga concerned unit at stakeholders sa magiging development sa sitwasyon.
Nabatid na kahapon, nagkaroon ng programa ang iba’t ibang grupo sa tapat ng EDSA Shrine na nasa panulukan ng EDSA at Ortigas avenue.
Sa taya naman ng EPD, nasa 250 ang dumalo sa pagtitipon sa EDSA-Shrine kahapon.