Walang naitalang Pilipinong nasaktan o naapektuhan sa mga naganap na pagsabog sa Riyadh, Saudi Arabia kamakailan. Ito ang kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) matapos ang serye ng pag-atake ng mga militanteng Houthi gamit ang mga drone at ballistic missile sa kabisera ng bansa at sa mga pasilidad ng enerhiya sa baybayin ng Red Sea.
Ayon sa DMW, patuloy nilang binabantayan ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa buong Kaharian ng Saudi Arabia sa pamamagitan ng mga Migrant Workers Office (MWO), katuwang ang Emhabada at Konsulado ng Pilipinas. Nakahanda rin ang mga nasabing tanggapan na magpaabot ng agarang tulong sa mga kababayang nangangailangan.
Pinapayuhan ng DMW ang lahat ng mga OFW sa Saudi Arabia na manatiling alerto at mag-ingat, pati na rin ang palagiang pagsubaybay at pagsunod sa mga babala at alituntunin na inilalabas ng mga awtoridad doon.
Para sa mga OFW at sa kanilang mga pamilya na nangangailangan ng tulong o may mahalagang katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod na tanggapan at numero:
Mga Kontak sa Migrant Workers Offices (MWO):
- MWO Alkhobar
- Labor Attaché: Sulaiman Mutya
- Telepono: +966562329926
- MWO Jeddah
- Labor Attaché: Fidel A. Macauyag
- Email: mwo_jeddah@dmw.gov.ph
- Telepono: +96569819720
- MWO Riyadh
- Labor Attaché: Dominador A. Salanga
- Email: mwo_riyadh@dmw.gov.ph
- Telepono: +966502850944
- MWO Operations Support Bureau (MWOOSB)
- Officer-in-Charge / Labor Attaché to Israel: Geraldine Mendez
- Email: oas-mwws@dmw.gov.ph
- Telepono: (02) 8724-35-57
DMW Hotlines:
- NCR: 1348
- Mula sa labas ng Metro Manila: (02) 1348
- Mula sa ibang bansa: +632 1348
Mananatiling nakatutok ang DMW sa mga susunod na kaganapan at maglalabas ng karagdagang impormasyon kapag may panibagong ulat.