Bilang bahagi ng pagsusulong ng transparency at accountability at upang maiwasan ang posibilidad ng katiwalian, iginiit ni Navotas City Representative Toby Tiangco ang muling pagbubukas ng plenary interpellations sa budget ng House of Representatives.
Sinabi ni Tiangco na dapat payagan ng pamunuan ng Kamara ang muling pagbubukas ng interpellations sa budget ng Lower House matapos ilipat ang deliberations mula September 24 patungong September 17, habang siya ay nasa ibang bansa para sa official business.
Iginiit niya na muling buksan ng pamunuan ng Kamara ang mga talakayan sa budget ng Lower House, at binanggit na pinayagan din nitong muling buksan ang deliberations sa budget ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Binigyang-diin ni Tiangco na dapat sumunod ang House of Representatives sa mataas na pamantayan ng financial accountability, lalo na pagdating sa mga panuntunan nito sa paggastos.
“I think, more than the rules, transparency is more important than our rules,” ani Tiangco.
“Kasi kung gusto po natin pigilan ang corruption, kailangan po may accountability. Wala pong accountability kung wala pong transparency,” dagdag niya.
Gayunman, hindi pinagbigyan ng Kamara ang kanyang mosyon.