Nagpaalala ang Philippine National Police – Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) sa mga private security personnel bilang mga “defense frontliner” sa mga paaralan laban sa mga posibleng insidente ng karahasan.
Batay sa memorandum advisory na pirmado ni PNP-SOSIA Chief PBGen. Glenn Cinco, dapat trained ang PSPs sa mga armed intruder protocols, kabilang ang agarang pag-secure sa mga access points kung ligtas itong gawin at pagpapatunog ng alarm.
Inatasan din silang panatilihing maluwag ang mga daanan para sa mga responder at gabayan ang mga ito pagdating sa paaralan.
Hinimok ang mga PSP na patuloy na makipag-ugnayan sa school authorities at, kung maaari, lumahok sa mga safety drill para sa active attack incidents.
Inilabas ang advisory kasunod ng mga naitalang pamamaril at iba pang karahasan sa mga paaralan na kinasasangkutan ng mga kabataan.