Naglatag ng bagong guidelines ang Commission on Higher Education para sa responsableng paggamit ng artificial intelligence (AI) sa mga kolehiyo at unibersidad sa bansa.
Sa ilalim ng CHED Memorandum Order No. 21, Series of 2026, pinapayagan ang paggamit ng AI sa pagtuturo, pag-aaral, research at institutional operations.
Saklaw ng framework ang 2,366 higher education institutions, mahigit 188,000 faculty members at higit 5.8 milyong estudyante.
Itinatakda rin nito ang mga safeguard para maprotektahan ang academic integrity, data privacy at student welfare.
Kailangan ding maging transparent ang mga estudyante sa paggamit ng AI, habang dapat may human oversight sa grading, admissions, scholarships at iba pang mahahalagang desisyon.
Binigyang-diin ng CHED na dapat magsilbing suporta ang AI sa pagkatuto at hindi kapalit ng human thinking at judgment.