Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Private Sector Advisory Council (PSAC) Infrastructure Sector Group–Real Estate.
Dito tinalakay ang mga hamon at oportunidad sa sektor ng real estate.
Napag-usapan din ang mga hakbang upang gawing mas abot-kaya ang pabahay, mapahusay ang property valuation at mapalakas ang pamumuhunan at paglago ng sektor.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, ang real estate industry ay isa sa mga nagpapasigla sa malawakang aktibidad ng ekonomiya ng bansa, lumilikha ng mga trabaho at nagsusulong ng pag-unlad ng mga lungsod at iba’t ibang rehiyon.
Kasama ng Pangulo na dumalo sa pulong sina Acting Executive Secretary Ralph Recto, DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, DEPDev Secretary Arsenio Balisacan at iba pang mga opisyal ng Malacañang.
Sa hanay naman ng PSAC-Infrastructure Group, dumalo sina PSAC Strategic Convener Sabin Aboitiz, Alliance Global Incorporated President and CEO Kevin Tan at iba pa.