Ikinakasa na ng Philippine Air Force (PAF) ang ika-6 na yugto ng Doshin-Bayanihan katuwang ang Japan Air Force.
Ayon kay Air Force Spokesperson, Col. Alvin Capinguian, nasa 160 mga tuahan ng PAF ang lalahok sa pagsasanay.
Bagaman anim na beses nang nagsasanay ang Pilipinas at Japan sa ilalim ng Doshin-Bayanihan, ito ang ikalawa mula nang lagdaan ang Reciprocal Access Agreement (RAA).
Isasagawa ito sa Mactan, Cebu gayundin sa Puerto Princesa City sa Palawan na nakatutok sa Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) Operation.
Ilan sa mga asset na isasabak sa pagsasanay ay ang C-130 aircraft gayundin ang PZL Swidnik Sokol helicopter.
Limang araw tatagal ang pagsasanay na lalahukan din ng mga observer mula sa US Air Force.