Patuloy ang pagtutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Education (DepEd) para agad na maihatid ang psychosocial support at iba pang serbisyo sa mga apektado ng school incident sa Banga, South Cotabato.
Sa isang coordination meeting ng DSWD Field Office 12 at DepEd Region 12, tinalakay ang mas mabilis at magkakaugnay na response para sa mga mag-aaral, school personnel at komunidad.
Kabilang sa mga napagkasunduan ang pagpapalakas ng emergency response protocols, paghahanda para sa Multi-Disciplinary Psychosocial First Aid Plus o PFA+ Capacity-Building Training, at pagtatatag ng malinaw na referral pathways sa pagitan ng mga paaralan at social welfare offices.
Layon nitong mas mabilis na maikonekta sa naaangkop na serbisyo at interbensyon ang mga indibidwal na nangangailangan ng karagdagang suporta.
📸 DSWD

