Nilagdaan ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng mga maritime stakeholder ang Seafarers’ Voyage Plan 2030.
Isa itong roadmap ng pamahalaan upang mas lalo pang mapalakas ng Pilipinas ang posisyon nito sa global maritime industry.
Pinangunahan ang paglagda ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac kasama ang MARINA, at iba pang stakeholders sa Philippine Maritime Convention 2026 sa Maynila.
Layon ng naturang roadmap na makuha ng bansa ang 35% ng global manning market pagsapit ng 2030, habang tinitiyak ang proteksyon at kapakanan ng mga Pilipinong seafarer.
Ayon kay Migrant Workers Undersecretary Felicitas Bay, magsisilbi itong gabay kung paano isasakatuparan ang mga napagkasunduan sa Philippine Maritime Convention 2026.
Ito ay may apat na pillars na tututok sa maritime education at training, dagdag na shipboard training, digitalization ng mga serbisyo, at mas malinaw na career pathway. Bukod dito ay palalakasin din ang pagpapatupad ng Magna Carta of Filipino Seafarers, crisis response, at ang repatriation.